TINGNAN: Ellen Adarna, Buntis kay John Lloyd Cruz?

Kumalat ang usap-usapan sa social media ang Facebook post ng veteran newscaster na si Jay Sonza, kung saan makikita ang usapan nila ng pamangkin niyang si “Elena.”

Sa post niyang ito kahapon, October 11, ibinahagi ni Jay ang pag-uusap nila ng kanyang “niece” na “namamasyal at nagpapahinga” sa abroad.

Ibinahagi ni Jay ang pag-uusap nila ng kanyang pamangkin na “namamasyial at nag papahinga” sa ibang bansa sa post nito noong Miyerkules, Oktubre 11.

Sa usapan nila, ibinalita ng pamangkin ni Jay na malapit na siyang maging lolo na dating host ng Mel & Jay.

Nag-propose na raw ang kasintahan ni “Elena” kaya naman inaya niya si Jay na puntahan ito.

“Diba sabi mo sakin pag gusto kong mamahinga at mamasyal ay puntahan ko ang saint tropez, nice, morocco or venice, am here tito.” sagot ni Elena na tanungin kung nasaan ito.

Mababasa naman sa dulo ang mensahe ng 62-year-old broadcaster na:

“Nakupo nandiyan pala kayo. Sorry ha, I just got carried away with the good news from ‘niece.'”

HINDI ITO BREAKING NEWS!Katatapos ko lang makipagchat sa aking favorite "niece" na nasa abroad at namamasyal at…

Posted by Jay Sonza on Tuesday, 10 October 2017

Inulan naman ng katanungan si Jay, Kung si Ellen Adarna ang tinutukoy nitong “Elena”, at kung si John Lloyd Cruz ang kasintahan nito.
Si Ellen at John Lloyd (rumored boyfriend) naman ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Europe.

Humingi naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon Oktubre 12, ng pahayag mula kay Ellen tungkol sa viral post ni Jay Sonza.

Agad naman sumagot si Ellen Adarna at nilinaw na hindi siya ang “Elena” na pamangkin ni Jay.

“We’re definitely not related.” dagdag pa nito.

Si Ellen ay taga-Cebu City, habang si Jay ay tubong-Macabebe, Pampanga.

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph
Comments