Ang kwento ng pagmamahal ng isang Ina sa kanyang Anak

Viral ngayon sa Facebook ang kwentong ito ng mag Ina na talaga namang nagpa antig ng mga damdamin ng mga nakabasa. Naka likum ito ng mahigit 9 libong shares, 22 libong reaction at may 50 libong kumento.

Lahat ng nakabasa nito ay talaga namang naka relate at napa iyak sa kwento nila. Dahil mahirap lang sila at iniwan ng padre de pamilya. Kaya dalawa nalang sila mag Ina ang nagsasama sa hirap at ginhawa.

Narito ang kwento nila:

“Ang pagmamahal ng Ina ay isa sa mga sagradong regalo ng panginoon. May isang bata na mahal na mahal niya ang kanyang Ina . Tuwing umaga Hindi gumigising si Ben kapag Hindi din gumigising ang kanyang Ina. tuwing kumakain sila, siya ang naglalagay ng pagkain sa plato ng Ina. 

Ben- Mama, Kain napo tayo ang sarap ng ulam. Tikman mo
Ina- Sige anak, salamat, mahal na mahal kita
Ben- Kain na tayo mama. Magpakabusog ka ha?

Sila ay mahirap lamang dahil iniwan sila ng kanilang padre de pamilya dahil sa ibang babae .

Ben – mama, saan na kaya si papa? Miss KO na siya
Ina- Diba? Sabi KO na ayaw KO nang marinig na binabanggit mo ang iyong ama..
Ben – sorry po.

Ayaw ng marinig pa ng Ina ang kanyang asawa dahil sa pananakit nito sa kanya. Tuwing uuwi Ito sa kanilang bahay, ito ay lasing at palagi siyang sinasaktan pati ang kanilang anak. Hindi niya kinaya ito kaya nagdesisyon ito maghiwalay nalang. Isang araw, may nangyaring hindi nila inaasahan.

Ben- Mama,kumain na po kayo
Mama- ayaw KO anak . tubig lang
Binigyan Ito ng tubig ng anak .
Ben- bakit hindi po kayo kakain, ang sarap ng ulam.

Ng biglang inatake ang ina, ito ay nanginginig parang kinuryente, yung Mata niya ay halos puti na, nanlalata at halos hindi na makahinga, para itong nilalason.

Ben – Mama, mama anong nangyayari sayo, ma, ma , wag mo Kong iwan.

Iyak ng iyak ang bata dahil sa nasaksihan . Makalipas ang ilang minuto hindi na kumikibo ang kanyang Ina.
Hindi niya alam na patay na Ito. iYak ng iyak ng bata dahil sa nangyari . Hindi niya alam na may sakit pala itong pneumonia. Hindi matanggap ng bata dahil mahal niya ang kanyang Ina kahit ito ay nasa kabaong na. Hindi siya umaalis dahil alam niya kung ano ang sakripisyo ng kanyang Ina para siya ay mabuhay.” 

Wala na talagang makakapantay pa sa pag mamahal ng isang Ina. Kaya hanggat ma-aari mahalin natin ang ating mga magulang ng lubos dahil grabe ang sinakripisyo nila para sa kanilang mga anak. Hindi natin alam kung kelan sila kukunin ni God sa atin, kaya hanggat kasama natin sila sulitin natin ang mga pagkakataon na iyon. Iparamdam natin na sobra natin silang mahal.

Source: Facebook/TS6
Comments