Pinakahihintay ng lahat, Alden Richards at Maine Mendoza nag kiss na sa Eat Bulaga!

Alden Richards at Maine Mendoza, muli nanamang pinakilig ang kanilang manunuod kahapon October 21 sa noontime show na “Eat Bulaga” nang mag Kiss ang dalawa.

Photo Credit: PEP.ph

Matapos ang matagal ng hiling ng kanilang mga taga subaybay, natupad na rin ang hilig nila na mag Kiss ang dalawa, pagkatapos ng matagumpay nilang palabas na “Love Is” ang kapuso noontime show na pinagbidahan naman nilang dalawa.

Bago sila mag Kiss, tinanong ang dalawa kung ano ang ibig sabihin ng love.

Related image
Photo Credit: preen.inquirer
Related image
Photo Credit: GMA Network

“Ever since, simple ko lang dini-define yung love talaga. Hindi naman siya nag-iba ngayon. Love is caring.” sagot ni Maine

Hinalintulad naman nito sa kanyang karakter sa palabas na “Love Is”

“Di ba nga, nung sinabi ni Viviene na, ‘Love is opening your heart to someone na gusto kang intindihin, handa kang tanggapin nang buong-buo. Simple lang.”

Hinalintulad din naman ni Alden ang kanyang karakter na hindi tumigil sa pagmamahal sa kanyang girlfriend na kumakaharap sa clinical depression.

Related image
Photo Credit: Showbiz.portal
Image result for alden richard
Photo Credit: Pinterest

“Love is walang iwanan. Kumbaga, it applies to everything. Wala nang explanation yun, e.”

Sumingit naman ang Eat Bulaga! co-host na si Ruby Rodriguez, “Kaya nga kapag kinakasal, ‘Till death do us part.'”

Kinantyawan naman ni Pauleen Luna ang dalawa na mag kiss at dito na naganap ang pinakahihintay ng mga tao.

“Parang pag may kinakasal din kailangan may kiss.”

Photo Credit: PEP.ph

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph
Comments