Super Tekla, Sumailalim muna sa drug test bago papirmahin ng kontrata ng GMA network, at ito ang naging resulta

Matapos ma alis si Super Tekla sa Wowowin, binigyan naman ulit siya ng panibagong kontrata sa GMA Network.

“Matagal kong hinintay ito. Sobrang patience, talagang nagtiyaga ako,” sabi ni Super Tekla sa kanyang interview ng GMAnetwork.com.

Image result for super tekla
Photo Credit: GMA Network

The comedian spoke up regarding this achievement during the contract signing held at the GMA Network head office last October 25.

Sinabi na ni Super Tekla ang achievement niya na ito na mag sa-sign siya ng bagong kontrata sa GMA Network head office noong October 25.

Photo Credit: PEP.ph

“Time will come na ibibigay ni God sa akin. This is it na talagang puwede ko nang i-claim na official at legit na Kapuso na ako, thank you, thank you. I’m so happy, sobrang speechless ako ngayon,” sabi ng komedyante

Pinasalamatan ni Super Tekla ang mga executive ng Kapuso Network na si GMA Chairman at CEO Atty. Felipe Gozon, President at COO Gilberto Duavit, Executive Vice President at CFO Felipe S. Yalong, SVP para sa Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, at GMA SVP para sa Entertainment Lilybeth Rasonable.

Related image
Photo Credit: Philnews

Ang dating Wowowin co-host ay nagsabi na ngayon na siya ay tumutok sa kanyang career at maiwasan ang pag-aaksaya ng malaking pagkakataon na ibinigay ng Kapuso Network.

“Ang aura ko ngayon, sobrang positive talaga, wala nang mga negative. Kailangan positive lang, work, work, work para sa mga Kapuso natin.

“Pinapangako ko na gagawin ko ang aking best sa tiwalang binigay sa akin ng GMA,” promised the comedian whose real name is Romeo Librada.

Bago ang kanyang pag-sign sa kontrata, kusang-loob na nagbigay ng drug test si Super Tekla para mapatunayan na hindi siya gumagamit ng ano mang iligal na droga.

“Talagang voluntary akong nagpa-drug test, to clear. Talagang sobrang certified po, nag-negative na po yung result ko ng drugs and I’m so glad.

“Thank you, thank you. Yung hassle kasi, feeling ko iyon yung harang para ma-achieve ko itong ganito kaya ‘yon muna ang una kong nilinis. Sobrang, ‘Thank you Lord, thank you!’ Talagang sobrang negative yung result.”

Related image
Photo Credit: kami

Sa nakaraan niyang interview, inamin naman ni Super Teka na gumagamit siya nang pinag babawal na gamot noon, pero ngayon tinigilan na daw niya at wala ng nakita sa kanyang katawan na bahid ng iligal na droga.

“This is it, hindi totoo ‘yon. Kaya sabi ko nga, ayoko na ngang magsalita, e. Pero to prove, to clear, para masara na yung haka-haka, wala na po akong drugs sa katawan. Fit to work.”

Mula Setyembre 2016 hanggang Hunyo 2017, nagsilbi si Super Tekla bilang co-host sa palabas ng GMA-7 na Wowowin.

Pagkatapos umalis sa palabas, lumabas ang komedyante sa Kapuso shows tulad ng Sunday PinaSaya, Celebrity Bluff, at Sarap Diva.

“Sobrang nakakatuwa sa nangyari sa akin na puro negative nung una, talagang halos feeling ayaw na ako, o sasakluban na ako ng langit, e,” aniya.

“Pero thank you so much. Magtrabaho na lang tayo para sa mga Kapuso natin, thank you so much at talagang kung ano man ang ibibigay at ipagkaloob sa akin ng Diyos, talagang pagtatrabahuhan ko ito nang maayos. Thank you very much.” pasasalamat ni Super Tekla.

Naniniwala naman si Super Tekla na, “Mga pintuan na magbubukas and, of course, ang langit, mag-o-open wide. Bubuhos, mararamdaman mo talaga iyan.

“Be patient, yun lang, maging mapagkumbaba. Kahit anong gawin mo, alam naman ng Diyos kung saan ka ilalagay.”

 

As a contract artist of GMA, he looks forward to working with Kapuso comedians such as Vic Sotto and Boobsie Wonderland.

Bilang isang artista na ng GMA, inaasam naman nito na makatrabaho ang mga komendyanteng sina Vic Sotto, at Boobsie Wonderland.

Inamin din ni Super Tekla na pangarap niya maging parte ng palabas na Bubble Gang.

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph
Comments