ALAMIN: Maricar Reyes buntis nga ba kaya umalis sa prime-time series na ‘La Luna Sangre’? Alamin nyo po dito!

Marami ang nagulat ng mamatay ang character ni Maricar Reyes sa palabas na ABS-CBN prime-time series, La Luna Sangre.

Image result for maricar reyes
Photo: ABS-CBN

Nagdulot naman ito ng mga sabi-sabi na buntis ang actress sa kanyang unang anak kay Richard Poon na asawa pa nito noong June 2013.

Nang tanungin si Maricar kung buntis nga sya ang sagot nito sa ABS-CBN News, “No. I’m sorry. Hindi pa. We’re still waiting and we’re still trying. Abangan and keep praying for us.”

Related image
Photo: ABS-CBN

Sa nasabing palabas, ang ginampanang role ng Kapamilya actress ay si Samantha na kung saan siya ay half-sister ni Richard Gutierrez na si Sandrino ‘Supremo’.

Ang nakapatay kay Samantha ay ang kanyang kapatid na si Sandrino matapos nitong masabihan na traydor. Si Samantha ay isang mabuting bampira na pinoprotektahan ang bagong itinakda na si Malia na ginampanan naman ni Kathryn Bernardo.

Related image
Photo: Philstar

Paliwanag naman ni Maricar matapos tanungin tungkol sa pagkamatay ng kanyang character, “Nagampanan niya iyong role niya,” aniya.

“She’s really just there to serve, protect iyong bagong itinakda.” 

Sinabi din ng actress na isa sa mga naging paborito niyang character ay si Samantha, kahit na siya ay nakaabot lang ng 2 bwan sa La Luna Sangre.

Image result for maricar reyes
Photo: ABS-CBN

“Ang saya niya kasi she’s good and bad. Hindi siya squeaky clean, hindi rin siya super bad so puwedeng may laro doon. It’s a nice break from the drama.”

Sa post naman ni Angel Locsin na kung saan ginagampanan nito ang role na si Jacintha, sa kanyang Instagram account, ipinayahag nito ang kanyang pasasalamat kay Maricar sa kanyang post na picture nila na may caption na:

“Late man sa pag post bilang nasa byahe, pero hindi pwedeng hindi kita

ma-congratulate sa napahusay mong pag ganap bilang Samantha,

@maricareyespoon 🙂 sa puso namin, buhay na buhay

si Samantha mamimiss ko ang “tha-tha” tandem promise

(This was taken after taping our last scene together in #LaLunaSangre”

Nag post din naman si Maricar sa kanyang Instagram account ng litrato nilang dalawa ni Angel Locsin na kung saan pinapaalalahanan ang kaning mga manunuod na may caption na:

“Never underestimate the unpredictable creativity of the #LaLunaSangre team They spend countless hours working, away from their loved ones, just to give you the best show they can. Kapit lang!! The best is yet to come” 

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph
Comments