John Roa inalis nga ba sa grupo nitong Ex-Battalion kaya wala siya sa bago nilang kanta na “Hayaan mo sila”

Viral ngayon ang pagkawala ni John Roa sa grupo nitong Ex-Battalion.

Nakilala si JRoa sa pagsali-sali niya sa mga singing contest sa television, sumali din siya sa “Tawag Ng Tanghalan” ng It’s Showtime! pero hindi siya pinalad na manalo.

Image result for ex battalion

Image may contain: one or more people, people on stage and night

Madami ang nagtaka ng wala si JRoa sa bagong labas na music video ng ExB na pinamagatang “Hayaan mo sila”, na kung saan sa unang version nito ay nandoon si JRoah. Ang pumalit sa kanya ay si King Badjer na isa ring ExB.

Image result for jroaRelated image

Sa post niya sa kanyang Facebook account na umabot ng 22k reactions at 9.8k shares.

Ipinaliwanag niya dito kung bakit wala na siya sa grupo nila. Ito naman ang kanyang ibinahagi:

“EXB will always be EXB with or without me. ?

I wanna tell you a story about a a little kid with big dreams.

Since i was a little boy, music has always been part of my life. Maliit palang ako pangarap ko na maging isang tanyag na singer at performer. Naalala ko pa dati palagi akong nagcoconcert sa sala namin. Hawak ang lotion bottle bilang mic habang sinasabayan ang mga kanta ni JUSTIN BIEBER.Angtanging audience ko ay ang mga upuang wala namang nakaupo.Nalungkot ako. Pero eto ang nagbigay sakin ng drive para abutin ang pangarap ko.

At a young age, gitara at mikropono ang naging kaibigan ko.

2016. Nagviral ang video ng “Tatlong Bibe RNB version”. Kasama ko dito si Matt Lubid. Dito sa Cebu ko nakilala ang EXB. Si BOSX1NE at Flow G at nabuo ang kantang “Kakaiba” kasama ang isa sa mga pinakahingahangaan ko na si Skusta Clee.

I decided to quit my studies and move in to Manila. 16 years old ako nun nung pinili kong iwan ang mga magulang ko at makipagsapalaran sa Manila.

Mahirap, pero blessed parin ako kasi
dito ako nagkaroon ng mga taong itinuring kong mga kuya.Mga kapatid at pangalawang Pamilya.
Madami akong natutunan sa kanila. Naging MATURE ako as an artist. Di lang sa pagpeperform kundi sa pagkanta at pagsulat ng kanta.

Naglabas kami ng mga kanta. Di ko inaasahan ang suporta at pagmamahal na natanggap namin sa mga tao. Sobra!

Pero sa kabila ng mga sigawan at palakpakan, muli kong nakita ang batang nangangarap ng malaki. Gusto ko pang gumaling. Gusto ko pang matuto. Gusto ko pang malaman ang totoong gusto ko.

Never be afraid to take risk parang pag gusto mong tumalon sa falls o dagat pero takot ka,never mong malalaman kung malalim o mababaw ang tubig sa baba pag di mo SUSUBUKAN tumalon ?

Maayos kaming nagusap ng grupo.
Hindi lang namin agad nasabi sa mga tao.
Humihingi ako ng pasensya sa lahat at dumating sa ganitong punto.

Ang saaken lang please wag na sana nateng halungkatin kung SINO,ANO o kung BAKIT
UMALIS o INALIS ako sa EXB.
Kasi hinding hindi tayo magkakaintindihan buhat ng may iba iba tayong saloobin at pananaw sa mga bagay.

RESPETO, SUPORTA, AT PAGKAKAIBIGAN pa din ang maiiwan samin.

I hope you guys would stop the hate and just spread the LOVE!

I pray and wish EXB all the best. More music and achievements.Maraming maraming salamat mga kapatid, lalo na kay Mark at Archie para sa lahat.?

Ako? Wag kayo magalala. Hindi ako mawawala. I have lots of things in store for you guys. Bagong tunog. Bagong daan.

“Never allow waiting to become your habit. Live your dreams and take risks. Life is happening now”.

Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.

“EXB will always be EXB with or without me” ?”

Kaya naman ngayon ay nagbigay linaw na sa kanyang mga taga suporta kung bakit siya nawala sa grupo nito.

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: Facebook
Comments