Julia Montes at ang kanyang rumored boyfriend na si Coco Martin, hiwalay na nga ba? Julia: “Basta happy ako”

Julia Montes ayaw padin magsalita sa tuwing tinatanong tungkol sa tunay nilang estado ni Coco Martin kung ano ba talaga ang kanilang relasyon.

Photo: Instagram/montesjulia08

Nagkaroon na nga ng balita na nauwi na raw sa hiwalayan ang kanilang relasyon, pero hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa kanila.

Photo: Via google

Nang tanungin si Julia ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol dito ay tila ayaw nitong sagutin dahil maiikli lang ang kanyang sinabi.

Hanggang ngayon ay kumpirmadong patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon ni Coco.

Photo: Instagram/montesjulia08

“Basta happy ako,” sambit ng 22-year-old Kapamilya actress.

“Communication? Mayroon pa rin naman, tuloy pa rin naman ang communication.

“Sobrang busy lang, lalo na siya. Mayroon siyang Panday at Ang Probinsyano.”

Ito naman ang ibinigay niyang suporta kay Coco ngayon dahil sa pinasok na rin nito ang paggawa at pagdidirek ng pelikula sa pamamagitan ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na Ang Panday.

Photo: Instagram/mr.cocomartin

Ayon kay Julia, “Siguro bukod sa suportang personal, siguro prayers din.

“I’m so happy for him kasi nung nag-i-start pa lang siya, nakikita ko ang talent niya.

“Ngayon, napapakita sa inyong lahat kung gaano siya kagaling, kung gaano ka-creative mind na mayroon siya.”

Photo: Instagram/mr.cocomartin

Ngayong taon naman ay nagkasakit ang aktor na si Coco dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule. Ang hiling naman ni Julia para sa kanya ay magpokus naman daw sana siya sa kalusugan nito.

“Of course, siya kasi yung tao na mapapagod na ang lahat, siya yung huling-huling mapapagod.

“Isa siyang inspirasyon sa mga katrabaho niya, kasi kung siya nga di marunong mapagod, what more yung mga katrabaho mo?

“Sana this time, mag-focus siya sa health niya kasi matagal na ‘yan.”

Photo: Instagram/mr.cocomartin

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa 2017 Anak TV Awards, na naganap sa Soka Gakkai International Philippines building noong December 8.

Kasama si Julia sa naparangalan ng Makabata Star Award. Sobrang saya naman ng aktres sa ibinigay sa kanyang parangal.

Photo: Instagram/montesjulia08

Saad niya, “Siguro, sabi ko nga, ito yung greatest reward sa lahat ng puyat, emosyon na dinadala natin sa trabaho natin, stress.

“Ito siguro ang pinakamagandang maireregalo ko sa lola ko na siya talaga yung naghirap sa lahat ng journey ko ng pagiging artista.”

Photo: Instagram/montesjulia08

Si Julia ay huling napanood sa noon time teleserye ng ABS-CBN na Doble Kara, na tumagal din ng mahigit halos isa’t kalahating taon.

Ngayon ay mapapanuod muli si Jula sa palabas na Asintado, na kung saan ay ipinangako ng aktres na ibang-iba na daw ang Julia Montes na mapapanood dito.

“Anytime soon, nagte-taping na kami, nagi-start na kaming mag-taping.

Photo: Via google

Asintado, abangan ninyo po ‘yan. Anytime soon na ‘yan, siguro next year.

“Siguro it’s more of suspense, drama, love story.

“Family drama pero ibang Julia Montes ang makikita ninyo.”

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph
Comments