Aksidenteng naipost ni Diego Loyzaga ang kanyang N*de video na talaga namang pinagkakaguluhan ngayon sa social media!

Diego Loyzaga, usap-usapan ngayon sa social media dahil sa nai-post niyang nude video sa kanyang Instagram Story noong huwebes, January 4.

Photo via: instagram/diegoloyzaga

Binura din ito ng aktor bago pa man umabot ng 24 oras, dahil sa Instagram Story ay nabubura ito matapos ng 24 oras.

Aksidente lang naman daw ang pagkaka-upload ng kanyang video na kuha mula sa bakasyon niya sa Europa.

Photo via: instagram/diegoloyzaga

Ayon naman kay Diego, “It’s not a pic. It’s a video.

“Kung panoorin niyo po yung mga stories ko on my whole trip, I have it saved there, on the highlights ng buong Europe trip.

“It shows kung paano nangyari yun.

“It’s a European tradition talaga na… it’s Swedish and Finnish tradition na you get butt-naked in the bath tub…

“Sauna muna ‘coz it’s snowing outside, then you’re going to the sauna.”

Photo via: instagram/diegoloyzaga

Dagdag pa ni Diego, “And I don’t know why naging problema o issue ‘to, kasi tinanggal ko siya kaagad.

“Pero talagang accident lang na na-post ko. Saved and My Story on Instagram [settings] is right next to each other.

“Na-save ko siya and I didn’t know na nilagay ko siya sa My Story, na hindi naman talaga dapat na-post.”

Hindi na siya nakapag ingat sa pagpo-post ng mga pictures dahil nais niyang ipakita sa kanyang mga followers ang kagandahan ng mga lugar sa kanyang pinuntahan, ayon pa sa Pusong Ligaw aktor.

Photo via: instagram/diegoloyzaga

Aniya, “I was vlogging the whole time while I was in Sweden and in Amsterdam.

“And I was showing everyone who follows me, yung mga ibang kultura sa ibang bansa.

“Naisip ko rin na hindi lahat maintindihan, hindi magi-gets ng lahat ng mga tao dito.

“So, nung nalaman ko na na-post pala yun, tinanggal ko kaagad.

“Pero yung ibang videos the night before, I was in the hot tub, I was naked on top, I was butt-naked.

“Ayun nga, in Sweden, tradisyon nila yun dun.”

Photo via: Fashion Pulis

May isa pa nga raw na nagawa si Diego kasama sa kanyang bucket list ang pagtakbo ng walang suot sa gitna ng snow noong New Year’s eve sa Amsterdam.

Ang kanyang nanay pa raw mismo na si Teresa Loyzaga ang kumuha ng kanyang litrato at video.

Maganda naman daw ang pasok ng 2018 kay Diego kaya naman masaya ito.

Sabi pa ng aktor, “Maganda, blessed, thankful, and happy.

Photo via: instagram/diegoloyzaga

“I feel like a new person this year.

“Siguro maganda lang ang naging bakasyon ko, naka-refresh ako. I’m very positive this year.”

Ikinuwento din niya ang kanyang role sa pelikula, “Ako po dito si Nico, ang ka-love team ni Sophia Andres bilang si Abby, ako yung comic-comic relief.

“Ako yung crying shoulder niya.”

Ipapalabas naman ang kanyang pelikula sa January 17.

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: PEP.ph 
Comments