Naiinis kana ba sa iyong keloid at gusto mo na itong mawala? Narito na ang sagot sa iyong problema, alamin dito.

Bakit ngaba nagkakaroon ng keloid? Tayo nga’y nahihirapan na sa ating mga peklat. Dumadagdag pa ang keloid. Kung ikaw ay nagtataka at gustong malaman kung ano ang keloid, ito ay isang overgrown scar tissue na bunsod ng sobrang produksyon ng collagen. Ang mga ito ay hindi nakakasama sa kalusugan at di rin nagdudulot ng sakit, ngunit ito ay masakit sa mata dahil na rin sa itsura nito. Maraming tao ang pinipili ang operasyon o di kaya laser treatments upang tanggalin ang keloid. Mayroon ring mas simpleng paraan. Isa na rito ang Tea Tree Oil.

Nakabubuti ba ang Tea Tree Oil sa Keloid?

Ang Tea tree Essential Oil ay nakukuha sa dahon ng halamang Melaleucaalternifolia sa pamamagitan ng pagpapausok dito. Karamihan ay matatagpuan sa bansang Australia. Ang dahon nito ay maaaring gamitin sa paggawa ng tsaa, ito na rin ang dahilan kung bakit ito tinatawag na Tea Tree.

Ayon sa ilang mga pag-aaral na isinagawa upang malaman ang benepisyong pangkalusugan ng Tea Tree Oil, ito ay napatunayang nakabubuti sa paghilom ng ilang mga sakit sa balat tulad ng peklat, gasgas, keloid, at tighiyawat. Ito na rin ay marahil sa malakas na antiseptic, anti-inflammatory, anti-viral, at anti-microbial na katangian nito. Ngunit, mas mairerekomenda na kumonsulta muna sa health care professional bago gamiting ito lalo na kung mayroong skin allergies.

Paano gamitin ang Tea Tree Oil para sa Keloid

1. Aspirin at Tea Tree Oil para sa Keloids

Mga kailangan:
4 Aspirin Tablets
1/2-1 kutsaritang tubig
2-3 patak Tea Tree Oil
Tagal ng paghahanda: 2 minuto
Tagal ng pagsasagawa: 30 minuto

Pamamaraan:
Durugin ang aspiring tablets at idagdag ang tubig. Haluin ng mabuti.
Ipahid ito sa iyong keloid at iwan ng 15 hanggang 30 minuto hanggang matuyo.
Hugasan ito gamit ang tubig at saka idantay ang 2 hanggang 3 patak ng Tea Tree Oil sa Keloid.

Tuwing Kelan?
Isang Beses isang Araw

Bakit ito nakatutulong?
Ang aspiring ay isang skin clarifier na mayroong active ingredients na hindi lamang nakatutulong sap ag galing ng mga peklat, pati na rin ang mga tighiyawat. Ito rin ay nakatutulong na hindi na lumaki pa ang keloid.

2. Lavender at Tea Tree Oil para sa Keloids

Mga kailangan:
2-3 patak ng Tea Tree Oil
2-3 patak ng Lavender Essential Oil
Tagal ng paghahanda: 2 minuto
Tagal ng pagsasagawa: 2 minuto

Pamamaraan:
Ipaghalo ang parehas na dami ng lavender at tea tree oil
Idantay ito sa keloid hanggang mabalot ng buo.
Iwan ito sa keloid na para bang normal na ointment.

Tuwing kelan?
Araw-araw

Bakit ito nakakatulong?
Tinutulungan ng tea tree oil na puksain ang impeksyon na nagdudulot ng keloi habang ang lavender oil naman ay may kakayanang labanan ang pamamaga upang lumiit ang posibilidad ng paglaki pa ng keloid.

3. Tea Tree Oil at asin para sa Keloids

Mga kailangan:
1 kutsaritang asin
2 kutsaritang tubig
3-5 patak ng Tea Tree Oil
1/2 kutsarita ng Aloe Vera Gel
Cotton Pad

Tagal ng paghahanda: 5 minuto
Tagal ng pagsasagawa: 15 minuto

Pamamaraan:
Initin ang tubig at ihaluin kasabay ang asin hanggang ito ay matunaw.
Isawsaw ang cotton pad dito at i-tape sa itaas ng keloid.
Hayaang maibabad ang keloid sa loob ng 5 minuto.
Tanggalin ang cotton pad at ilagay ang tea tree oil.
Maghintay ng 5 minuto hanggang maabsorb ito saka ilagay ang aloe vera gel.

Tuwing kelan?
Araw-araw

Bakit ito nakakatulong?
Ang asin ay kilalang antiseptic na tumutulong laban sa impeksyon. Ang aloe vera naman ay lumalaban sa paglaki at pamamaga ng keloid kasangga ng tea tree oil.

4. Tea Tree Oil at Vitamin E para sa Keloids

Mga kailangan:
1/2 kutsarita ng Tea Tree Oil
1/2 kutsarita ng Vitamin E Oil
Tagal ng paghahanda: 2 minuto
Tagal ng pagsasagawa: 2 minuto

Pamamaraan:
Ipaghalo ang magkasingdami ng tea tree oil at vitamin E
Gamitin ito sa lugar kung saang may keloid
Hayaan na magtagal sa peklat katulad ng isang tipikal na ointment

Tuwing Kelan?
Araw-araw

Paano ito nakatutulong?
Ang Vitamin E ay isa sa pinakamayabong na pinagkukunan ng antioxidants. Ito ay nakatutulong sa paglaban sa mga pinsala sa ating balat. Ang regular na paggamit nito ay nakatutulong sa pagkawala ng peklat.

What can you say about this?
Share your thoughts in the comments box! Don’t forget to like Philippine VIral on Facebook for more news and updates!

Source: healthypinoy
Comments